Photo by Jeia Jazul |
We had the privilege to speak with one of Drag Den’s future contestants, Vinzon Leojay Booc—known in the drag community as Lady Gagita or Lady G. Best known for her Lady Gaga and Beyonce impersonations, Lady G is a big name in the drag industry, recognized by many for her kindness and killer looks.
We had the chance to talk with Lady G about her life both in and out of drag, how she started doing drag, and the highs and lows of pursuing it as a full-time occupation.
When did you start doing drag?
Nag-start ako mag-drag, 2010. Actually, hindi ko alam na drag pala ang tawag sa ginagawa ko. Ano lang kasi ako, typical na bakla na nagsusuot-suot ng kumot sa bahay tapos ginagamit yung mga panties, bra ng nanay. Ano lang talaga siya... bakla-baklaan lang, dress-up dress-up, ganun. Hindi ko lubos maisip na yun yung magiging profession ko ngayon. Kung ano yung passion ko before, yun yung profession ko ngayon.
So nag-start ako doing drag, 2010, and then I started doing parodies—Lady Gaga and Beyonce parodies. So nag-start ako sa paggawa ng mga music videos sa YouTube, and then 12 years ago, it was discovered by Kapuso Mo, Jessica Soho. After that feature story sa KMJS, napakadami ng mga nag-open na opportunities sa akin.
Tuloy-tuloy na yung mga naging TV shows namin dito sa Manila, dinala kami ng Star Talk dito, and then nagkaroon kami ng interview sa Showbiz Central, and then nagkaroon din ako ng collaborations with celebrities like sila Tim Yap, Robby Carmona, and then Niccolo Cosme. Nagkaroon kami ng feature story sa Manila Bulletin, a makeover... so ayun. I’ve been doing drag for 12 years right now.
What made you start doing drag as a job or why did you start doing it?
Nag-start ako mag-career sa drag after ng hype ng Telephone video ko, I think it was one and a half years na pa-raket raket lang ako, and hindi ko alam kung paano ko iha-handle yung career ko nang walang manager. So dumating ako sa point na “ay hala, wala na akong raket, laos na ako.” May mga bagong YouTube icon na lumabas na mas hyped sa akin, mas sikat sa akin.
So nakipagsapalaran ako; nag-message ako sa mga drag bars noon within Metro Manila, and then way way before, ang pinakasikat na drag bar is yung Palawan 2 Comedy Bar, which is actually the home of the drag queens we look up to today. Galing dun si Precious Paula Nicole, galing doon sila Captivating Katkat. Some of the “famous” na drag queens ngayon, doon nanggaling. Yun yung pinaka-“O Bar” before, yung Palawan 2.
So nag-message ako sa kanila and then nagkaroon na ako ng opportunity to perform there regularly. Nag-start ako sa TF na 1,000 pesos and then, through experience and of course through the help of the senior drag queens, doon ako na-polish. Doon ako natutong magtakip ng kilay, doon ako natuto mag-pads, doon ako natutong mag-check kung maganda ba yung balakang ko. So yun yung parang... training ground ko.
After nun, nag-follow na yung ibang bars. Nagkaroon na din ako ng mga corporate shows, corporate events, and then nagpatuloy nalang siya ulit. So ayun. Siguro nag-start ako ng pinaka-drag in 2011.
What do you love most about doing drag, or about the industry in general?
That I do not see this job as a “job” at all. Kasi we are living in our teenage dream, na fantasy namin ‘to nung kabataan namin, na gusto namin mag-dress up dress up, and then may mga taong naghihiyawan sa’min.
Isa siyang “fantasy comes to life,” parang ganun siya sa amin. So we’re enjoying the job, we’re living the fantasy, at the same time, we’re earning. Parang bonus nalang sa amin yung pera, kasi dahil sa trabahong ‘to, nakakapag-invest kami sa mga bagay bagay na pinapangarap lang namin dati.
And then fulfilling siya for us kasi this is our art eh, and we are doing this job because we love the job. I mean, it’s our passion. So hindi namin siya tinitignan as trabaho. Actually, hindi nga siya trabaho eh. Parang... fantasy lang talaga, ganun.
Are there any things about the job that you don’t like? Ano yung pinaka-ayaw mo with doing drag?
Yung pagliligpit. Kasi at the start of the day—at the start of doing the gig—is siyempre mamimili ka ng gamit na gagawin mo, so medyo magulo din yun, kasi minsan sa dami ng mga piyesang ginagawa ko, hindi ko na alam kung ano ipe-perform ko, ‘di ko na alam kung anong susuotin ko, kasi siyempre inisip ko din na ayoko mag-repeat ng damit kasi paulit-ulit nalang. So isa yun sa mga medyo mabusising proseso ng pagda-drag.
Pero ang pinaka-ayoko talaga is yung pagliligpit. Kasi alam mo yun, after the gig, talagang parang binagyo yung dressing room namin sa sobrang kalat. Tapos minsan nagkakawalaan pa ng gamit—like for example nawalan ako ng foundation, nawalan ako ng makeup.
Medyo nakakapagod kasi yung process na yun kasi siyempre pagod ka na sa pagpe-perform, hingal na hingal ka, tapos—hayop, magliligpit ka pa! Kaya minsan sa amin, kaming mga drag queens, hindi talaga kami makapag-gig nang walang P.A.. So kailangan talaga namin ng P.A. para may tagakuha ng kalat namin, so yun lang naman. Other than that, wala naman akong angal sa drag.
Do you do drag as a full-time job or do you have a separate job that you do?
So far ngayon, oo, I’m doing it full-time. I tried doing it part-time before. Nag-BPO ako dati, kaso parang binabalik talaga ako ng entablado. Binabalik talaga ako ni Lord sa stage. Dati kasi, nag-call center ako dahil feeling ko, doing drag doesn’t pay my bills.
It [BPO] actually pays the bills, pero alam mo yun, pag nag-BPO ka kasi wala ka talagang time for yourself. Wala kang life. Minsan, pag gusto mong gumala, parang nagmamadali ka pa kasi may shift ka pa.
Pumasok nang pumasok pa rin kasi yung mga gigs, and then sabi ko, ta-try ko kung keri ko ba i-full time ito, kung makakapagbayad ‘to ng bills ko, kung kaya ba nitong tustusan yung mga layaw ko. Ayun, na-full time ko siya. And then aside from doing physical shows, meron naman kasi akong mga brand collaboration sa social media kasi as I always tell my other sisters, you have to sell yourself to social media because this is the new normal. if you’re not gonna market yourself online, then how are you gonna get some gigs?
Patuloy pa din naman yung paggawa ko ng mga vlogs sa YouTube, and then meron din akong mga Instagram content. And then brands were actually coming naman; there are actually postings na... bayad naman siya. Hindi lang ako nagda-drag sa mga bars, hindi lang ako nagdra-drag sa mga shows, sa mga gigs and everything.
I always make myself visible online, kasi yun yung pinaka-strength ko talaga eh. Sa lahat ng mga drag queens na nakikita natin ngayon. So ayun, nafu-full time ko naman na siya.
Ano yung dumaan sa isip mo para isipin na: “Okay, sige, ifu-full time ko na talaga siya”?
Kasi dati, bago ako mag-BPO, doing drag kasi... lalong lalo na nung dati pa, na ang tingin ng mga tao dati na yung drag is mga payaso lang, na hindi siya binibigyan ng magandang treatment. Naabutan ko talaga yung mga era dati na hindi binibigyan ng equal treatment yung mga drag queens. Like for example, pag may mga guesting kami sa TV, yung mga artista naka-dressing room yan, tapos kami sa pantry lang kami nagma-makeup.
Dati kasi, feeling ko yung pagda-drag, hindi talaga niya kayang tustusan yung mga pangangailangan ko. Yung pera namin, napupunta lang din sa costume, so walang return of investment. Tapos hindi rin kami makabayad ng utang namin, ng bayad sa bahay. So doon ko siya tinimbang.
Feeling ko, do I have to change careers na? Dito ba ako sa love ko—sa passion ko? Or dito ba ako sa hindi ko passion, pero makakapagbayad ako ng bills?
So nag-transition ako from drag to corporate world. Siguro after a year of doing BPO, nagbalik ulit yung opportunities. Like may isang bar na nagbukas na kailangan daw ako as a performer, and then pinangakuan nila na ganto ang bayad, gantong araw ka magpe-perform. So sabi ko, hindi na rin masama, hindi na rin masama kung magpe-perform ako at least thrice a week, tapos kikita ako ng at least 4,000 a week. Kaya na yun. Kasi, kung sa BPO, I used to get 10,00 a month, while dito sa pagda-drag, 4,000 a week. Happy na din. Tapos may mga tips pa, aside from that pwede kami tumangganap ng iba pang gigs. Doon ako nag-ano na parang... ay sh*t, binabalik ako ni Lord sa entablado. ito talaga yung naging calling ko. Ito yung job na dapat talaga sa akin.
I actually grabbed the opportunity, ‘di ko na siya pinalagpas. Talagang tinitignan ko talaga yung budgeting, yun talaga yun eh, sa pera talaga. Um-okay naman siya nung bumalik ako sa pagda-drag ulit.
Ano yung sa tingin niyong pinakamalaking misinterpretation about the drag community, or about drag queens?
Akala kasi nila dati, yung mga drag queens is someone na nagbabakla-baklaan lang, tipong sa mga baranggay-baranggayan lang. Pero ang totoo kasi niyan, drag is actually a form of art which is very similar to people who do acting, who do modeling. Kasi dito sa Pilipinas, alam naman natin pag may itsura ka, maganda ka, marketable ka sa masa, artista ka na kaagad. ‘Di nila alam na yung mga drag queens, it’s more than a job kasi it takes heart and soul para ma-fulfill yung art of drag.
Dito sa Pilipinas,’di ka mama-mainstream kung ‘di ka maganda, kung wala kang talent. Nakakatuwa lang na last year, nag-start na yung pag-notice ng mainstream media sa mga drag queens and fortunately, we have one drag show coming up, and then nage-exist yung Drag Race.
Nung lumabas talaga yun, talagang sh*t, eto na yung time na yung mga drag queens, magkakaroon na ng mainstream attention. For example ako, nagkaroon din ako ng mga acting gig sa TV, naging visible din ako sa mga serye, tapos si Brigiding nagkaroon ng commercial sa Meta. So nakakatuwa na alam mo yun, baby steps na nagkakaroon ng attention ang mga drag queens— the attention that we actually deserve, na long overdue na. Kasi sobrang tagal na nung drag eh. Kahit naman dati may mga drag queens na nakikita sa TV, sa Sharon Cuneta show before, pero sobrang iba yung naging attention ngayon.
Nawala dati yung misconception na yung mga drag queens, impersonation lang, nawala na yung concept dati na pag drag queen ka, dapat marunong ka magpatawa. Kasi yun yung nagiging misconception dati eh: pag drag queen ka, stand-up comedian ka.
Pero hindi pa siya sapat, yung attention na nakukuha namin ngayon, kasi we still have to educate some people. There are still people na hindi naman naaabot ng internet, hindi naman nakakapanood ng TV araw-araw. They still have to know what a drag queen is, na drag queens are actually artists, and drag queens are not just a laughing stock.
Is there anything that you wish people would stop saying about drag queens, na iniisip nila na okay lang, pero for you guys, it’s offensive na pala?
Yung mga taong nagmamaliit sa amin, lalong-lalo na yung mga straight people na hindi talaga alam kung ano yung drag. Kasi dati nung nago-online live show kami, may mga kumekuwestiyon sa’min.
Kasi before, nung pandemic, wala talaga kaming shows. Walang mga live shows. So napipilitan kaming mag-online show, tapos manghihingi kami ng tip. So nag-iisip sila, “bakit kami magbibigay ng tip sa inyo? Eh nagli-lipsync lang naman kayo. Magli-lipsync lang naman kayo, hindi naman kayo kumakanta ng live, bakit naman kami magbibigay ng tip sa inyo?” Yun yung gusto naming mabura sa isipan nila na hindi lang kami nagli-lipsync, but we are actually lipsyncing, because itong pagli-lipsync namin, hindi lang namin ‘to winork out overnight.
Winork out namin yung lipsync namin na may study, na pinag-aralan talaga namin ng bongga ito, na pinaghandaan namin yung costume, yung damit. Hindi kami nagli-lipsync na, ah nagli-lipsync lang. Yun yung karaniwang sinasabi ng mga hindi talaga nakakaintindi ng drag.
Pero nakakatuwa lang nga na people are actually getting more accepting, lalo na sa bar na pinagpe-performan ko, yung Empty Stomach. It’s actually not a gay bar, and straight women, straight men, are actually going there. Pag naririnig nila yung fanfare namin ng drag show, yung “Cover Girl” ni Rupaul—kasi yun yung pinaka-signal namin na magsa-start na yung show—nagsisigawan na sila. Sobrang inanticipate na talaga nila na yung drag is going to be fun. Sobrang nakakatuwa, nakakapanibago na we are getting the attention na hinahanap namin dati. Na we were actually longing to get that attention way, way, way before pa.
Were there ever times that you felt like drag was too hard, too the point that you wanted to quit?
Oo, especially when our drag is questioned. For example, being political. Meron kasing mga times na sa sobrang political namin—kasi ako I’m a political person. I’m not a political person before, but then when I was educated by people around me that drag is political, that drag began with a riot sa Stonewall, nagkaroon ako ng eye-opener na I had to use my drag as a platform to voice out my opinion, to fight for what is right.
So I had this experience before na medyo taliwas ako sa political belief ng iba, and people are actually bashing me because of my political belief, and then after that bashing, nag-dig pa sila deeper into my art. Na parang my art is invalidated. Inaano nila yung mga makeup transformations ko na hindi naman kamukha kuno, tapos inaano nila yung body shaming.
So there are times na I’m actually questioning myself. “Am I still worthy of doing my art? Am I still magaling? Or am I just doing this because this is what I love but then people are not loving it?”
But then it actually processed sa isip ko na they are hating this because… it’s actually hatred. Hindi sa hindi ako magaling. It’s actually out of hatred, kasi ayaw lang talaga nila sa’kin, diba?
Kumbaga parang kung si Paolo Ballesteros ang gumagawa ng art ko, okay lang sa kanila, kasi okay sa kanila si Paolo. Kahit ganun ka-achieve yung ginawa ni Paolo, pero that’s Paolo. Pero it’s Lady Gagita, [so] there’s something to hate.
Dahil sa hatred na yun, akala ko dati na gusto ko na mag-quit as Lady Gagita. Gusto ko na bumalik sa pag-aaral, gusto ko nang bumalik sa Davao, gusto ko nang isuko yung persona ko, gusto ko nang i-shutdown yung YouTube channel ko, my social media pages. And then it went back to normal.
However, nag-reflect din ako na “what if?” What if i-give up ko ‘to? What if i-give up ko yung pagd-drag? What if i-give up ko yung job na ‘to? Papaano ako makakakuha ng pera para magpaaral sa kapatid ko? Paano ko maa-achieve yung dreams ko na kailangan ko mag-invest ng bahay, lupa, para sa pamilya ko? Bumabalik pa rin ako sa ganun eh.
So ako, sabi ko, hindi pwedeng ipahinga ko yung sarili ko. Aside from I’m loving this job, pag bumalik sa normal, it’s gonna be a big sacrifice. Kasi I’ve been working for this career for about a decade already. I’ve been doing drag for more than a decade now. And then parang tatanggalin ko nalang ‘to dahil lang sa mga taong may ayaw sa’kin?
Tinimbang ko yun eh… may mga tao pa ring naniniwala sa’kin. At ginawa lang itong mga klase ng pagsubok in order for me to segregate the people na may mga galit talaga sa akin noon pa, and to segregate the people na whatever happens, or whatever circumstances na darating sa akin, they will stay.
So sabi ko, as long as there are still people na nagi-istay sa akin, I will still do my job. And then nag-success ako. Nung nagpatuloy ako, may mas dumami pang project sa akin. Dumami yung acting gigs, dumami yung mga brands na lumalapit sa akin. Parang walang nangyari!
So lahat ng yun, sabi ko sa sarili ko, mawawala din ‘tong mga ‘to. Just do good. Just do what is right, do what you love, and the people will forget about what happened.
Can you talk more about the things that got you through those hard times? Ano yung pinakanakatulong sa’yo to get you through that rough patch?
Pinaka-sobrang na down talaga ako was 2020. 2020 was our lowest; it was our lowest moment of our lives as a drag queen.
Kasi siyempre nawalan kami ng pagkakakitaan, nawalan kami ng job, so we all have this mentality na … saan kami kukuha? Lalo na yung pambayad namin sa bahay, ganon. Paano kami susuporta sa mga pamilyang tinutulungan namin? Sobrang lowest na time ng buhay namin.
Sabi ko sa sarili ko dati na gagawa ako ng paraan na mabuhay ako na kahit sabihin nating manlimos tayo online, pero gagawin namin ‘to.
Kaming mga drag queen kasi, kahit nasa pinaka-lowest na kami ng buhay namin, gagawa’t gagawa kami ng paraan na hindi kami malulob talaga sa kahirapan.
So feeling ko swerte lang talaga ako kasi kahit man may pandemya pero laging visible pa rin ako online, gumagawa pa rin ako ng content. So yun yung parang naging sa akin na “girl you are still visible. ‘Di ka iniwanan ni Lord nang malugmok ka lang sa kahirapan.” So nagpapasalamat pa rin ako na I still have the skills, I still have the tech-y side of me na other drag queens cannot actually do.
There are actually elder drag queens na wala naman silang alam sa pagbenta sa mga sarili nila online, na nags-struggle talaga sila.
And actually isa sa mga naging lowest din ng buhay ko is nung kinuha si Papa ni Lord. Isa siya sa mga namatay nung pandemic. Hindi naman siya namatay sa COVID, actually, but namatay siya because of takot na ayaw niyang magpa-ospital kasi nung mga time na yun, yung ospital sobrang daming COVID patient. Ayaw niyang mahawa at ayaw niyang matuluyan. So doon siya namatay. Namatay siya ng lung cancer.
Masakit siya sa akin. I’m not expecting na ganun siya kabilis kunin ni Lord. Isa siya sa mga tao kasing naniniwala talaga sa akin na even though hindi ako yung tipong anak na ine-expect nila makakapagbigay sa kanila ng malaking, malaking, malaking pera, or makakapag-invest ng ganyan, pero isa siya sa mga naniwala sa akin na “kahit bakla yung anak ko, maipagmamalaki ko ‘to.”
I haven’t got any palo or anything na physical abuse from my father. Kasi diba alam naman natin na sa Pilipinas, pag bakla ang anak—lalong-lalo na sa probinsya—parang yung pagiging bakla ay salot. Yung pagiging bakla ay something that’s very unacceptable. Pero sa Papa ko, sobrang hindi ko naramdaman yun. Napakaswerte ko lang talaga siguro na nagkaroon ako ng ganung Papa.
Dahil sa pagkawala ng Papa ko, feeling ko parang kailangan ko magsumikap double-time, kasi ako na yung tatayong tatay ng pamilya. Ako na yung tatayong magpapaaral sa kapatid ko, ganun.
We want to offer our condolences, and we’re glad that you had someone like that in your life. For the next question, we want to ask: what is the biggest difference with who you are in and out of drag?
Well, of course the biggest difference is the confidence itself. So if you are actually talking to me right now, medyo confident na ako magsalita kasi medyo nahasa din ako ng pandemic dahil sa mga hosting hosting gigs.
Pero when I am in drag, talagang mas double the confidence ang mae-experience niyo ngayon. So mas makapal yung mukha ko in drag, lesser confidence ako pag out of drag.
I have this power pag naka-in drag ako na parang kaya kong kausapin lahat ng tao. Kahit mayor pa yan, kahit sobrang malalaking artista pa yan. Basta iba talaga yung power ko pag in-drag ako. Tipong kahit waley yung joke ko, kaya kong itawid yan na havey.
Merong magic in drag na hindi ko alam kung bakit, pero parang kaming sinasapian ng kapal ng mukha.
What would you say to anyone who wants to join the drag community, or become a part of the community, but is too afraid or hesitant to do so? Anong advice yung mabibigay mo sa kanila?
If they’re afraid of doing drag, I think what they have to do is just to be themselves. Use their resources. Wag sila masyadong ma-pressure sa mga mamahaling gamit. Kasi dun ako nagsimula eh.
Kung may pangarap ka talaga, gamitin mo yung pangarap mo para mag-improve ka. Use your resources. Kung anong mga makeup yung meron ka diyan, gamitin mo yan. Kasi wala yan sa brand ng makeup, wala yan sa mahal ng gamit mo. Nasa skills yan, kung paano mo itatawid yung talento mo, kasi that resources will just follow.
If talagang ginalingan mo, at magkakaroon ka ng maraming gig, makakabili ka ng maraming mga mamahalin na gamit. Kasi drag is really, really expensive, and in order for you to overcome that, you have to use your talent and you have to use your skills, you have to be yourself. And of course you have to remain humble. You have to be nice to people always kasi hindi mo alam kung sinong mga tao makakasalamuha mo.