Nagtanong kami sa mga pangkaraniwang Pilipino: Anong balak niyo ngayong pasko?


Palatandaan: Ang lahat ng itinanong ay ibinasa muna sa mga interviewee bago simulan ang mismong interbyu para alam nila kung gagawin nila ito o hindi. Pagkatapos basahin ay humingi ng pag-apruba ang mga tagapakinayam kung sumasang ayon sila na sagutan ang mga tanong na ito. Ang lahat ng interviewee ay pumayag na sumama sa interbyu, at i-post ang kanilang mga litrato sa artikulo na ito.


Muli nanamang papalapit ang Pasko, at makikitang excited na excited na ang mga Pilipino. Mula sa mga komersyal at palabas na nakikita natin, parang iisa na lamang ang nagiging imahe na nagrerepresenta sa Paskong pang-Pilipino: kasama ang buong pamilya, na may handang queso de bola, lechon, spaghetti, at iba pa. Ngunit habang tumatagal ang panahon, imposibleng hindi din magbabago ang mga paraan ng pag-celebrate ng mga Pilipino ng araw na ito.

Kaya naman ay tumungo kami sa mga kalye ng Cubao at tinanong namin ang mga nadaanan namin: 

Ano ang plano niyo para sa Pasko ngayong taon? At ano ang karaniwang ihinahanda ninyo?


MELISSA, 32

WAITRESS & CASHIER – earns 11-12,000 monthly.

Photo taken by Jan Charlemagne
Kasama family sa Batangas, ganun lang.

Yung karaniwang handa ng mga Pilipino. Wow, lechon! Siyempre ‘di mawawala yung lechon. Lechon, pansit, ganun. Yun lang! Tapos cakes, shanghai, wowww! Yun lang.


GLORIA, 66
STREET VENDOR – earns 5,000 PHP monthly.

Photo taken by Jan Charlemagne

Wala, uwi lang sa bahay. Tapos onting salo-salo. Tapos yun, magpapahinga. Balik naman dito. Hanapbuhay ulit kinabukasan. Ganun lang. 

May konting ano lang, adobo, ganun. Pangkaraniwan lang. Wala naman kasi kaming ano… ganun lang ang ano namin tuwing Pasko. Pupunta sa mga kapatid, yan lang.



JEANNE, 22

FREELANCE GRAPHIC DESIGNER – earns around 5,000-30,000 depending on the project.


Photo by Jan Charlemagne

Magtamba–um. I’m just gonna have fun. Actually right now, medyo nag-off ako on social media and everything, so I’m alone. I wanna spend Christmas with myself, with my family.

Usually yung handa, I’m not in charge of it. So my sister, usually they order pasta–yung usual Christmas ano. Tapos nagluluto sila ng chicken. Pero usually they just order in na eh. Before siguro, nagluluto talaga, pero ngayon since medyo tumatanda yung mom ko, she just prefers to order in. So nago-order kami ng maramihan nang food.



S.G. CABANESAS, 32

SECURITY GUARD – earns 22,000 monthly.


Photo taken by Jan Charlemagne

Makauwi sana kami ng misis ko kasi nandun sa probinsya yung mga anak namin. ‘E gusto sana namin makasama. Pero sa ano nalang… next year. January pa kasi kami makakauwi.

Ano lang ma’am, yung mga… pansit, spaghetti, tapos yung mga normal lang. Mga Pilipino foods, ganun.



BIANCA, 27

BPO COMPANY TEAM LEADER & CONTENT WRITER – earns 30,000 monthly from each job.

Photo taken by Jan Charlemagne


I don’t have plans. I’m just gonna stay at home. Probably order in a charcuterie board or something and then just spend that Christmas with my brother and my cats. 

Sa family namin, ang handa namin is usually around mga 3 to 5 na ulam. Tapos may mga fruit salad for dessert, may spaghetti yan, ham–typical na Christmas na handa dito sa’tin. Very simple, kumbaga.


Sa mga ininterbyu namin, makikita talaga na iba-iba ang paraan ng pagdiriwang ng mga Pilipino ng Pasko. Ngunit kahit magkakaiba ito, pareparehas na importante at valid ang kanilang mga selebrasyon. Sana sa inyong Pasko din, mga mambabasa, ay maging masaya din kayo–kahit kayo ay mag-isa man o kasama ang inyong buong pamilya. 


Mula sa UST-CASA Chronicle, isang maligayang Pasko sa inyo!

Gaby Agbulos

Gaby is a Communications student in UST's Faculty of Arts and Letters. When she isn't stressing about her backlogs she likes listening to music, watching films, reading books, and looking at frogs.

Previous Post Next Post