Why Radical Love is the Best Love

 

Photo by Kevin Christian S. Crisolo

May 09, 2022—isang kasaysayan na naman ang nailista ng sambayanang Pilipino. Kasaysayan kung saan ang mga naging mulat ay hindi na muling pipikit. Ang lahat ng nakarinig ay hindi kailanman magiging tahimik.

Poot, galit, sakit. Mga panahong punong puno ka ng bakit? Masasabi mo na lang na “radikal ang manampal!” pero hindi. Hindi dapat tayo magpagapos sa sama ng loob. Masakit man, pero kailangan tanggapin. Mahirap man, pero kailangan umusad tayo kasabay ng agos ng panahon. Nakakapanghina man, pero kailangan bumangon tayo para sa panibagong laban dahil ika nga mas radikal ang magmahal!

An open letter to Vice President Leni Robredo 

Simula pa lang ng kampanya naramdaman na namin ang pag-asa. Binigyang halaga mo ang buhay ng bawat Pilipino. Hindi lang bilang isang Bise Presidente, kundi bilang isang inang may malasakit, may pagmamahal, at higit sa lahat, may paninindigan—husay, tibay, puso at isip; prinsipyo sa pamumuno ang siyang naging sandata mo sa labang walang kasiguraduhan. 

Naging inspirasyon ka ng nakararami. Bolunterismo ang namayagpag dahil kitang kita ang malinis na intensyon mo sa pagtakbo bilang Pangulo ng bansa. Hindi ka naging makasarili; sa bawat hakbang, bitbit mo palagi ang pangarap mo para sa Pilipinas. Pinakita mo na ang imposible ay maaring maging posible. Walang limitasyon, walang kondisyon. Walang pag-aalinlangan, tumugon ka sa hamon ng kabataan.

Alam kong hindi ako nag-iisa sa laban na ito. Sabay-sabay naming isinigaw ang pinunong handang magsilbi. Ano mang oras, ano mang araw, ano mang panahon ay hindi naging balakid dahil sabi mo nga noon "...number one ingredient din ng leadership, aside from character, is you show up in the most difficult times." Binuksan mo ang aming mata sa isang kulay rosas na bukas. Libo-libo, milyon-milyon ang nanindigan at naniwalang hanggang sa huli kayang ipaglaban. Pinagbuklod mo ang mga Pilipinong naniniwala sa isang gobyernong tapat, aangat ang buhay ng lahat.

Bigo man tayong ipanalo ang laban, tiyak akong hindi dito titigil ang serbisyong walang hinihintay na kapalit. Serbisyong bukal sa puso. Serbisyong walang pinipili. Hindi dito natatapos ang awit ng kabataan. Papunta pa lang tayo sa exciting part.

Tumindig tayo. Tuloy pa rin ang laban! Dahil sa huli, liwanag ang mananaig.

Kevin Christian Crisolo

Hello everyone! Good morning, good afternoon, or good evening. As a 19 year old college student, communication is my passion. I am Kevin Christian S. Crisolo, but I’d like you to call me “KC”, a proud member of LGBTQ+ Community, from the land of brave and valiant men, Cavite! I am a goodhearted and sweet, expressive, and a risk taker type of person. You can catch up with me easily as 1,2,3. I am fond of mingling with others because I want to learn from their experiences and at the same time to have fun with a variety of people. And that is one of the many reasons why I have been an active member since elementary in our school publication and media. I can say that character leads my way.

Previous Post Next Post