World Poetry Day Series 2022 (Day 1, Part 1): Para kay Luna, Mula kay Sol


The United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization (UNESCO) recognized March 21st as World Poetry Day in 1999. The goal was to be able to showcase the artistic expressions in poetry through the diverse languages of the world and to encourage literacy all around the globe. Aligned with CASA Chronicle's advocacy to amplify the many voices of CASA, we are dedicating a 4-day series to present the wonderful pieces of our fellow CASAns. 

That being said, today's first poem is written by Lei Janine De Guzman from 1COM1. Her piece is about that longing and yearning for someone we have felt at least once or twice in our lives. It's that push and pull of our emotions on whether we should keep on clinging to the last bit of hope we have of being with the person we love or do we let them go.  


Para kay Luna, Mula kay Sol
by Lei Janine De Guzman

Hindi mabilang na siglo, puno ng pagkakataon
Ngunit bawat isa’y pinaglagpas,
O hindi pinagyagan ng mundo.
Ako ba ay isang baliw, na may sira sa ulo,
Upang maniwala sa mga kathang isip kong ito.
Para saan nga ba ang bawat gabi,
Na ikaw ay ang nasa panaginip,
Na sa pagbangon sa umaga,
Ay pangarap na hindi mapasaakin.
Bawat pagtatagpo ng mata ay wala lang ba,
Tulad ng mga aksidenteng pagkikita,
Sa mga lugar na hindi ka hinihiling at hinahanap?
Sinasabi mo bang hindi rin tadhana,
Ang minamahal kong Luna,
Ay ang mga letrang simula ng iyong ngalan?
Patawad at hindi mapigilang ika’y ikumpara,
Sa liwanag ng buwan,
Na kahit hindi ko pinagtatanto,
Ay umuusbong sa aking umaga.
Aking tanong,
Ako lang ba ang may bugso ng damdaming ito?
Hindi ka ba nababalisa?
Na sa tuwing ika’y aking nakikita,
Sa bawat pagtama ng iyong mata, sa akin
Ay may parang bulkan,
Sumasabog, nagliliyab at gumagambala
Isang damdaming nakatakot,
Ngunit aki’y natutunang mahalin,
Dahil sa bawat pagguho ng mundo,
Ay ikaw ang dahilan ng aking pagpapatuloy.
Ako nga lang ba talaga,
Ang naniniwala sa tadhana nating dalawa,
Na sa kahit sa paghimbing ay kasama ka,
May isang akda na nagsisimula, 
Ngunit hindi natatapos,
At hindi maipaliwanag na nagpapatuloy.
Mulat na damdamin sa matang nakapikit,
Buhay na puso, sa isang natutulog na pag-iisip.
Dapat pa ba ako’y maniwala,
Maghintay, sa meron o sa wala.
Kakapit pa ba, sa iyo,
O sa isang imahinaryong pangako.
Na sa aking guni-guni ay mula sa kahapon,
Dinala ng hangin patungo sa ating panahon.
Ano ba talaga ang plano para sa atin,
Ako ba ay kapani-paniwala tulad ng aking mga mithiin.
Matutupad na ba ang tadhanang nagbuklod,
O magwagi ang kapalaran na sa dulo’y hindi ikaw at hindi ako sa huling pagkakataon?

Elyana Faye Batungbacal

Elyana is currently a Communication student from the University of Santo Tomas. She is currently part of the UST-CASA Chronicle Editorial Staff as the Literary Editor. When she isn't contributing to the program's publication arm she is at home baking, playing games with friends, and re-watching the show, "Modern Family".

Previous Post Next Post