Marilag

Art Card by the Author

Hayaan mo akong hawakan ang iyong kamay

Habang tayo ay naglalakbay sa maalon na dagat,

Kahit naglalakad tayo sa kapatagan, 

O kahit nasa gitna 'man tayo ng bagyo


Hayaan mo sana ako patahanin ka

Sa mga panahon na tumutulo na ang iyong mga luha

Nawa’y ang aking mga mahigpit na yakap

Ang magsilbing tahanan mo sa pansamantala


Hayaan mo sana ang iyong sarili ipasa ang dinadala mong bigat

Sa aking mga balikat 

Halata naman na kay tagal mo na pinapasan ang bigat ng mundo

Halika’t magpahinga, hindi ka nag-iisa, kailanman hindi ka pabigat


Hayaan mo ang sarili mong huminga

Makakaahon din tayo sa ating pagkalunod

Hayaan mo ang sarili mong umasa 

Dahil ako’y naniniwala na balang araw hihilom din ang ating mga sugat


Hayaan mo lang ang sarili mo maramdaman ang bawat sakit at lungkot

Nawa’y bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mong maghilom

Huwag kang magmadali, hawak mo ang iyong oras

Huwag ka mag-alala, andito lang ako mananatili—


Hinihintay ang iyong pagbangon muli. 


Gabby Busto

Gabby is an AB Communication student and currently is the Literary Editor for CASA Chronicle. She loves writing poems and stories also she is a huge bookworm. She can talk about Harry Potter, Percy Jackson, Seventeen, and the band 5 Seconds of Summer all day.

Previous Post Next Post