Pagmamahal, Paglaya, at Pagbabago


Art Card by Mika Orolfo




Sabi nila, ang pagmamahal ay mapagpalaya

Kaya siguro ginagawa natin ang makakaya

Na lahat ay nakaugat sa pag-ibig

Para sa bayang ayaw na muli malupig


Ngunit sa paglipas ng panahon, 

Mga utak ng mga mamamayan ang nilason

Ng mga sanay sa ibabaw ng tatsulok

Sanay na mabibili ang midya gamit ng mga iba’t-ibang alok


Hindi ba nila alam? 

Ang kapangyarihan nila’y hiram 

Mula sa nililingkurang taong-bayan

Na lagi naman nila tinataguan kapag nangnanakaw sa kaban


Ang pagmamahal ay mapagpalaya, ika nga nila

Kaya ang ating mga mamahayag, tapang ang dala

Sa bawat storya at balita

Para sa bayang binibigyang halaga


Kaya naman, kailan ba natin tutulungan?

Ang mga mamahayag na walang kinikilingan

Nasa puso ang serbisyo kaya hindi tayo mabibigo

Dahil ang pagmamahal ay hindi lang ang paglaya, ito rin ang hudyat ng pagbabago.



 

Gabby Busto

Gabby is an AB Communication student and currently is the Literary Editor for CASA Chronicle. She loves writing poems and stories also she is a huge bookworm. She can talk about Harry Potter, Percy Jackson, Seventeen, and the band 5 Seconds of Summer all day.

Previous Post Next Post