(hippo)campus

Photo by the Author


hindi ko na matandaan

kelan ko unang natutunang matakot

at umiwas sa 

mga piling lugar sa ust

hindi naman ako tanga

ang mga lugar 

ay mga lugar lamang

hindi tambakan 

ng pangungulila

hindi imbakan 

ng mga hinanakit

walang placard na nagsasabing

‘nasa ilalim pa ng paghihilom’


kung kaya’t pagod na akong matakot

at iyuko ang aking ulo 

sa bawa’t paglagpas

tila gusto kong madapa

kasi hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko

tila gusto kong madapa

kasi mas nauna pa kitang makita 

kesa sa lubak ng mga sidewalk

o masita ng isang prof

sa ingay ng aking sigaw

ang hindi mamalayan kung lover’s lane ba o noval ang nilalakaran natin

ang hindi matinag sa ganda ng alas tres kung alas syete pa kita makikita (anuman oras ng dismissal niyo)

basta,

alam mo na ‘yun (kung trip mo lang naman eh)


libre ka ba

gusto ko sanang bisitahin

mga sulok ng iyong kamay

Miguel Talens

Miguel Talens is CASA Chronicle's Editor-in-Chief. His interests involve all sorts of things, from films and video games to oddly specific YouTube video essays on obscure horror media. Obsessed with the concept of haunted houses.

Previous Post Next Post