Photo by Maricel Laxa-Pangilinan on Facebook |
Pilipinas, 2 araw na lang Halalan 2022 na!
Handa ka na ba? Kinakabahan dahil unang beses mo pa lang boboto? Narito ang ilang gabay sa pagboto mula sa GMA News upang maiwasan ang mga aberya.
- Panatilihin ang mga safety protocols ng gobyerno. Magsuot ng face mask, magdala ng alcohol at sumailalim sa temperature check bago pumasok sa silid. Hindi na required ang magdala pa ng vaccination card at RT-PCR test.
- Alamin ang tamang presintong nakatalaga sa iyo. May mga Voter’s Assistance Desk sa bawat voting station upang mapagtanungan ng iyong voting precinct. Maaari mo ring makita ang iyong presinto sa pamamagitan ng Voter Precinct Finder na inilunsad ng COMELEC. Puntahan lamang itong link.
- Para makakuha ng balota at marker, kumpirmahin ang iyong sarili sa assigned electoral board. Ibigay ang iyong pangalan, precinct number, at sequence number. Hindi na required ang magdala ng valid ID.
- Kapag hawak mo na ang balota, huwag kalimutan i-shade nang buo ang bilog sa tabi ng pangalan ng kandidatong napili. Paalala, tig-isa (1) lamang ang maaaring i-shade sa Pangulo at Pangalawang pangulo. Habang labindalawa (12) naman sa mga Senador. Isa (1) sa Congressman, Partylist, Governor, Vice Governor, Mayor, at Vice Mayor. Depende naman sa lugar ang bilang ng pwedeng ihalal na konsehal. Kung nais mong makita ang sample ballot, maaari kang pumunta sa link na ito. Maaaring magdala ng kodigo o listahan ng mga kandidatong nais mong iboto. Tandaan, iwasang mapunit o masira, magusot, at mabasa ang balota.
- Pagkatapos bumoto, ipasok ang iyong balota sa Voting Counting Machine (VCM). Suriing mabuti kung tama ba ang resibong ilalabas nito. Tingnan kung tugma ang pangalang nasa resibo sa mga binoto mo. Kung wala ka nang problema sa resibo, ihulog na ito sa isang kahon at tsaka magpalagay ng indelible ink bilang tanda ng iyong pagboto. Kung may problema naman sa mga pangalang nakalagay sa resibo, agad na i-report ito sa Board of Elections.
- Paalala: Hindi maaring ilabas ng presinto ang iyong resibo. Bawal kuhanan ng litrato ang resibo at ang balota. Bawal gumamit ng cellphone o anumang gadget sa loob ng presinto. Higit sa lahat, bawal magdala ng kahit anong campaign materials sa loob ng presinto.
Mahalagang magkaroon ng kaalaman sa tamang pagboto. Makakatulong ito upang maisagawa nang matiwasay ang Halalan 2022. Tandaan, mahalaga ang bawat boto. Nakasalalay dito ang kinabukasan ng ating bansa.