NB5


Isang patak ng luha

ay sapat 

para bumuhos 

ang galit at lungkot


Isang patak ng ulan

para bumuhos;

ihanda ang sarili 

para sa alimagyo


Isang katawan; isang binhi

Ang binaon nila sa lupa 

ay hindi bangkay

kundi binhi ng pagbabago


Ako ay sisigaw

at kami ay magagalit

walang kapayapaan


Kapag naghahari ang impyerno


Ihanda ang sarili

para sa mapulang bagyo


Ang dugong ibinuhos nila

ay siya ring lulunod sa kanila;

Walang lugar 

para sa mga berdugo  


Aani ng mahalimuyak na bulaklak

at alalala mo

ang iyong binhi


Kasama, 


'Di pa tapos ang laban mo

Elyana Faye Batungbacal

Elyana is currently a Communication student from the University of Santo Tomas. She is currently part of the UST-CASA Chronicle Editorial Staff as the Literary Editor. When she isn't contributing to the program's publication arm she is at home baking, playing games with friends, and re-watching the show, "Modern Family".

Previous Post Next Post